Monday, February 5, 2007

love story

[ei guyz.. check out niyo 'tong kwentong ginawa ng clasmate ko... para siya sa artifakt ko.. at dahil hindi ako inspired siya ang pinagawa ko ng love story... astig.. ang galing niya.. ang drama ng kwento... this story was inspired by the song... "promise me, youll wait for me.. i need to know you feel the same way to.." kakaiyak]


Ang Iyong Ala-ala

Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Nagising na lang ako isang araw mahal na kita. Alam kong hindi dapat, dahil mahal mo siya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, pero ayos na ang lahat makita lang kita. Matagal na rin tayong magkakilala. Ako ang takbuhan mo sa tuwing may problema at ikaw naman ang kaibigang unti-unti kong minahal.

Ipinagtapat ko ang damdamin ko sa iyo. Niyakap mo ako at sinabing “Patawad, hindi mo alam kung gaano ko gustong sabihing mahal din kita, pero hindi pwede… dahil sa kanya.” Ang tangi ko nalang nasabi ay “Hindi sakim ang pag-ibig ko sa iyo. Kaya kung sa kanya ka liligaya sige lang sundan mo ang puso mo. Lagi mo lang isipin nandito lang ako… na sa tabi mo… pangako.”

Minsan ay naisip ko ng lumayo… lumayo at magmahal muli. Nakilala ko siya. Isang taong nagbigay sa akin ng bagong pag-asa. Minahal niya ako ng buong-buo. Tulad ng pagmamahal ko noon sa iyo. Wala na akong hahanapin pa sa piling niya, pero mahal pa rin kita. Sinubukan kong limutin ka. Pero hindi ko magawa. Niloloko ko lang ang sarili ko… inakala kong malilimot ko ang isang tulad mo. Nagkamali ako.

Muli tayong nagkita. Sa di inaasahang lugar… sa di inaasahang pagkakataon. Pinilit mong ngumiti sa kabila ng mga luha. Niyakap kita at tinanong kung ano ang problema. “Hinanap kita… bakit ka nawala? Hindi ka man lang nagpaalam.” “Alam mo kung bakit ako umalis… alam mo namang ayaw kitang makitang umiiyak.” “Huwag mo na ako iiwang muli… kailangan kita.” “Alam ko, patawad.”

Bumalik lang ako kung saan ako nagsimula. Nabalewala lahat ng paglimot ko sa iyo. Pero sa piling mo lang ako tunay na maligaya. Sa mga yakap mo hindi ako nag-iisa. Sa mga sandaling ito akala ko’y habang-buhay na tayong maligaya. Isang ilusyon na hindi ko mabitiwan.

Nang araw ding iyon ay may sinabi ka sa aking kailanma’y hindi ko malilimutan. “Noong araw na umalis ka may mahalagang bagay dapat akong sasabihin sa iyo. Naisip kong maaaring huli na at wala na ring saysay kung malalaman mo. Pero hinanap parin kita, sana’y hinintay mo ako… nalaman mo sanang matagal na nahulog ang loob ko sa iyo. Pinilit kong pigilan ito dahil di dapat… dahil sa kanya. Ginawa kong lahat pero di ko kaya. Sa wakas ay naliwanagan na ako, naisip kong di ko kaya ng wala ka…sa iyo ako mas maligaya. Sasabihin ko dapat sa iyo na mahal din kita… pero wala ka na. Naisip kong hindi pala kita pwedeng paghintayin habang buhay. At ngayon natagpuan na kita, hindi mo lang alam kung gaano ako kaligaya.”

“Siguro nga ay tama ka, hindi mo pwedeng paghintayin ang isang puso habang buhay. Kung sana’y noon ka pa nagpakatotoo sa bulong ng puso mo, hindi ko sana naipangako sa iba ang salita ko. Sana’y tayo ang magkasama at maligaya ngayon”

[gosh ang sakit!!]


~oOo~RottenButSweet~oOo~ [11:27 PM]
___________oOo___________





FRIENDS

..MIGGY. .ANGELO. .THEA. .KJ-THEA-JV.

.masaya ako.




FRANKLIN

..LIEZL. .LOUISE..



MENDEL

..PHILIPPE. .CARLOS MIGUEL. .WHANNICA. .ELLAINE. .JULIUS. .MARITONI. .YANI. .ANNA. .NIñO. .KALENINA..

.im stronger than ever.




MASCIANS

..RUFFY. .ARVIN. .LESLIE. .GARR. .ABYCHU. .MYKEL. .JAY-VEE. .LEY. .GIDGET. .LAURENCE. .CEAN. .KOS. .LEA. .PAU. .CAMILLE. .RON. .PAUSIU. .BARON. .KATS. .PETUT. .RALPH. .NEPHELE. .THEA. .ROSE ABI. .NIKA. .CHRISTIAN. .JOSELLE. .ANGELICA. .HABON. .KJ/a>. .JOLIZA/a>. .ROYCE-DARREN..

..designer..

__________oOo__________




.





__________oOo__________

~oOo~So Rotten~oOo~


MASAYA NA AKO NGAYON!!!

Ako si BEA MARNELLI PINEDA PITOY


Ako ay isang tao na sa unang tingin ay mapagkakamalang masungit. As in sobrang sungit. Wala itong mintis! Ito ay isang obserbasyon na nagsimula pa noong bata pa ako. Base sa obserbasyon ito, lahat ng tao na nakakakita sa akin ay hindi ako nagugustuhan. Walang tao ang nagugustuhan ako kaagad. Kung hindi sila nagagalit, naiirita sila sa akin. Ngunit lahat ng ito'y nagbabago kapag ako ay nakilala na, nakasama na. Hindi ko naman sila masisisi. Di naman mapagkaka-ila na mukha nga akong masungit. Pero WHAT YOU SEE FROM ME ISN'T WHAT YOU GET! Kung mukha man akong masungit, ito'y kabaligtaran sa aking ugali. Ako'y masayahing tao, palakaibigan, mapagkakatiwalaan, at may itinatagong hiya rin. Minsan ako'y pinagtataksilan ng aking sariling mukha. Minsan kasi ay nahihiya ako sa ibang tao, ngunit iba ang ipinapakita ng aking mukha. Imbis na magmukha akong nahihiya, ako'y mukhang nagsusuplada. Pero ito lang ang masasabi ko, kilalanin niyo muna ako bago ninyo ako husgahan... at baka madagdag lang kayo sa listahan ko ng mga taong nagsabi sa akin ng: "AKALA KO NOON MASUNGIT, MATARAY, MAARTE, KA.. YUN PALA MABAIT KA!"

Name:
Beautiful Stranger

DOB:
May 22, 1989


Ako ay isang babae.. Nag-aral ng nursery sa South Merville School.. Pumasok sa Colegio San Agustin at doon ay nag-aral sa loob ng 9 na taon... Nag-high school sa Manila Science High School.. at ngayon ay papasok sa University of the Philippines Manila upang mag-aral ng medisina... na magsisimula sa pag-aaral ng BS Public Health.. bwahahaha... at balang araw ay magiging mayaman!!!