Monday, December 4, 2006

a dream to remember

wow grabe ang saya!!!!!!!!!



this was the very first time i have ever travelled and stayed away without my parents... and i loved it!!!! GRABE ANG SAYA!! well here's how it goes....
november 29, 2006
we left masci at 3 pm... sumakay na me kagad para maganda ang pwesto... kaso bag ko di nakaabot sa compartment... di na daw kaxa... hayy.. so binuhat ko ang aking malaking maleta paakyat ng bus.... o well.. so yun.. isa lang ung bus... unfortunately di kami kaxa kasi we are 75... kaya ung iba nagcommute [meaning bus din papuntang baguio pero may kasamang iba.. hindi xa private... saklap noh??] bus palang nagwawala na kami sa kasiyahan... nasa likod kasi kami... ako katabi ko si aby almoite... la lang...nasa pinakalikod cna nica, therese, ellaine, maricar, sharli.... next row from the back ay cna mati at danikko tapos cna royce at jk.... tapos next row to them ay cna chrissy at thea tapos kami na ni aby...we were laughing, playing, guessing blind items [uso un sa masci pag nasa baguio], laughing, laughing and more laughing.... C ROYCE GRABE ANG ENERGY!!!! biruin mo sa 7 hours travel namin ay consistent high energy xa mula masci hanggang sa pagdating namin sa bundok... tumahimik lang xa nung paakyat na ng baguio kasi inaantok daw pero di rin daw xa nakatulog... kaming nasa likod ang pinakamaingay sa lahat... hehehehe... tapos inantok ako at natulog... sila continuous parin ang pagiingay at pagbablind item.... well lucky me never ako na blind item kc la clang alm na intriga sa akin..[hihihi] tapos un... nagstop over kami sa pangasinan... go-ness!!! takbuhan sa cr ang drama ng lahat!!! ang nakakatawa lang sa cr e.. ang baba ng cubicles... as in kita mo prin cna royce at jk kapag tumayo... hehe peace!!!... talagang kita mo ung tao sa loob pag dumungaw ka... as in makikita mo xa kahit nakaupo na sa toilet... respect na lang ang pinairal ng mascians... hayyy.. tapos nagdinner kami dun... ang mahal ng mga pagkain!!! biruin niyo ulam 80??!! tapos ang bbq more than 10... grabe... anywayzz magkakatabi kaming mga maiingay sa isang table... ung iba may dalang packed lunch at ung iba bumili... c danikko at mati bumili ng nilaga or sinigang pero di kinain kasi kadiri daw lasa.... pati itsura di presentable... yuck talaga!!! lahat kami konti lang kinain dahil busog sa kakakain sa bus... kaya kwentuhan mode lang kami dun sa table... tapos sinundo kami ni mam amar... kmi na lang pala ang nandun at lahat nasa bus na.. kakahiya!! so un katuwaan ulit... hyper ulit c royce.. grbe energy...tumahimik ang lahat ng tumahimik na c royce [alam na... c royce lang talaga ang maingay...JOKE!!! nakakahawa lang talga ng energy c royce...] so ayun... nung tumahimik kami c karen naman ung gicng.... along with mao and jose's vcam nag document c karen ng trip namin.... starting from the front e pinakilala niya ang mga kasama sa ymca at pinakita ang current status ng bawat isa [mamili ka sa nakatulala, tulog, nanonood, naghihilik, nageemote, nagpoproject sa cam, tulo laway, at nakanganga...hehehe!] then sabi ni karen kay jose at ellaine [na first time ever na makapunta sa baguio] na pagdating daw namin sa tunnel ay magwish sila at pigilang ang hininga nila hanggat di makalabas ng tunnel... sa pagkakaalala ko nung pumunta kami ng baguio dati e iba ang dinaanan namin dahil gngwa ung kenon road... so as far as i know di pa ako nakadaan sa tunnel na yun... kaso nalimutan ni karen kung which tunnel.. nalito xa if yung nadaanan namin ay ung cnasabi nilang wishing tunnel or may isa pa... un na pala un... di tuloy nakawish cla jose at ellaine.... pero ako napigilan ko ung hininga ko at nakapagwish ako... habang natutulog ang mga energetic pipol sa likod... ako gising na kc nauna akong natulog sa kanila.... so dahil walang makausap e nagmuni-muni na lang muna ako... kahit madilim sa labas e nagsight seeing ako... looking at the passing cars' headlights..... then sa malayo nakita ko ang isang portion ng mountain na parang sprininkle ng glitters.... ang ganda! parang christmas light ang effect... un na ang baguio city... ganda talaga ng effect.. sabi ni jk ang ganda nga daw... pero pag dating ng umaga mukhang squatters daw ung mga bahay... so yun... nakarating na kami sa teacher's camp... nagsibabaan na kami... lahat cla ginaw na ginaw at nagtataka ako bakit di ako gngnaw... inisip ko baka kc araw araw pag nagcocomputer ako e sa pwesto ng pc nakatapat ang buga ng aircon sa rum ng parents ko... sa sobrang lamig e nangangatog ang buong katawan ko.... kaya pagdating sa baguio ung lamig e katumbas lang ng aircon ng parents ko pag hindi nakatapat sa akin... so sa white hall ang rooms namin... suppose to be magkakaroom kami nina tetz, chrissy, thea, ako, at aby... kaso 4 lang daw per room kaya akala ko kaming apat na na magkakaservice... kaso may MALAKING EPAL E!!! wla daw xang rummates... naawa c thea so un ibang room ako... masakit pero k lang.... ksma ko naman c jk at aby... go-ness!!!.... 4 ung beds pero 3 lang kami sa room.. kaya ung isang bed gnwa naming patungan ng gamit.... 12 am na nun at di parin natutulog lahat... excited parin maxado... tapos cna sally nagpapractice ng walk for ms. ymca.... kaming magkakaroom.... wla nang magawa kaya bumalik na sa room... pagkapasok at pagkapasok sa room e saktong namatay ang ilaw... d namin alam lahat if lights-out na un or brown out.... buti na lang nakapasok na kmi kagad kc mahirap maghanap ng room sa dilim... kawawa cna sally na nakagown pa... aww... so yun nakahiga na kaming tatlong nagkkwentuhan... ng ano? secret.... hehehe... basta tawa lang kami ng tawa... then kumanta kmi ng carol of the bells... xempre di maayos kc antok na ung boses,... bglang may ang sshhhhhttt sa amin.... tawa naman kami.....
end of day 1


~oOo~RottenButSweet~oOo~ [12:58 PM]
___________oOo___________





FRIENDS

..MIGGY. .ANGELO. .THEA. .KJ-THEA-JV.

.masaya ako.




FRANKLIN

..LIEZL. .LOUISE..



MENDEL

..PHILIPPE. .CARLOS MIGUEL. .WHANNICA. .ELLAINE. .JULIUS. .MARITONI. .YANI. .ANNA. .NIñO. .KALENINA..

.im stronger than ever.




MASCIANS

..RUFFY. .ARVIN. .LESLIE. .GARR. .ABYCHU. .MYKEL. .JAY-VEE. .LEY. .GIDGET. .LAURENCE. .CEAN. .KOS. .LEA. .PAU. .CAMILLE. .RON. .PAUSIU. .BARON. .KATS. .PETUT. .RALPH. .NEPHELE. .THEA. .ROSE ABI. .NIKA. .CHRISTIAN. .JOSELLE. .ANGELICA. .HABON. .KJ/a>. .JOLIZA/a>. .ROYCE-DARREN..

..designer..

__________oOo__________




.





__________oOo__________

~oOo~So Rotten~oOo~


MASAYA NA AKO NGAYON!!!

Ako si BEA MARNELLI PINEDA PITOY


Ako ay isang tao na sa unang tingin ay mapagkakamalang masungit. As in sobrang sungit. Wala itong mintis! Ito ay isang obserbasyon na nagsimula pa noong bata pa ako. Base sa obserbasyon ito, lahat ng tao na nakakakita sa akin ay hindi ako nagugustuhan. Walang tao ang nagugustuhan ako kaagad. Kung hindi sila nagagalit, naiirita sila sa akin. Ngunit lahat ng ito'y nagbabago kapag ako ay nakilala na, nakasama na. Hindi ko naman sila masisisi. Di naman mapagkaka-ila na mukha nga akong masungit. Pero WHAT YOU SEE FROM ME ISN'T WHAT YOU GET! Kung mukha man akong masungit, ito'y kabaligtaran sa aking ugali. Ako'y masayahing tao, palakaibigan, mapagkakatiwalaan, at may itinatagong hiya rin. Minsan ako'y pinagtataksilan ng aking sariling mukha. Minsan kasi ay nahihiya ako sa ibang tao, ngunit iba ang ipinapakita ng aking mukha. Imbis na magmukha akong nahihiya, ako'y mukhang nagsusuplada. Pero ito lang ang masasabi ko, kilalanin niyo muna ako bago ninyo ako husgahan... at baka madagdag lang kayo sa listahan ko ng mga taong nagsabi sa akin ng: "AKALA KO NOON MASUNGIT, MATARAY, MAARTE, KA.. YUN PALA MABAIT KA!"

Name:
Beautiful Stranger

DOB:
May 22, 1989


Ako ay isang babae.. Nag-aral ng nursery sa South Merville School.. Pumasok sa Colegio San Agustin at doon ay nag-aral sa loob ng 9 na taon... Nag-high school sa Manila Science High School.. at ngayon ay papasok sa University of the Philippines Manila upang mag-aral ng medisina... na magsisimula sa pag-aaral ng BS Public Health.. bwahahaha... at balang araw ay magiging mayaman!!!